Mandatory drug test sa mga estudyante, katunayan umano na hindi epektibo ang War on Drugs ng Administrasyon
Haharangin ng Oposisyon ang anumang hakbang ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na isailalim sa Drug test ang mga batang grade 4 o may edad na sampung taong gulang pataas.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, kailangan pa ng batas para ipatupad ang panukalang Mandatory drug test .
Nakapaloob aniya sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na mga High school hanggang College ang dapat sumailalim sa drug test pero hindi dapat gawing mandatory.
Pero naniniwala si Pangilinan na ang hakbang ng PDEA ay katunayan lamang na palpak ang gyera kontra droga ng gobyerno.
Sa halip na pagdiskitahan ang mga bata, dapat aniyang puntiryahin ng gobyerno mga Drug lords na nagsusuplay ng illegal drugs.
Senador Pangilinan:
“Law is needed to implement the government’s proposed mandatory drug test for children as young as 10 years old or those in grade 4. This proposal is an admission that the brutal government war on drugs is ineffective”.
Ulat ni Meanne Corvera