Mandatory facemask use, balik sa Baguio City
Balik sa pagpapatupad ng mandatory use ng facemasks ang Baguio City.
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ito ay upang masawata ang patuloy na pagtaas pa ng COVID-19 cases sa Lungsod.
Sa tala, nasa 13 hanggang 14 ang average COVID cases sa Baguio City kada araw.
Sa video na naka-post sa Facebook page ng Baguio City Public Information Office, sinabi ni Magalong na “Kailangang mag-observe ulit tayo ng minimum health standards, especially ‘yung wearing of masks. Kaya dito, ipapatupad na ulit natin… dito sa City Hall and other government offices, especially sa indoors. We’re now requiring our constituents and visitors to be wearing their face masks.”
Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang mga religious leaders na ipatupad muli ang mask mandate.
Sinabi ni Mayor Magalong na maglalabas siya ng kaukulang executive order para rito.
Sinabi ng opisyal na inaasahan nilang tataas ang trend ng COVID cases sa susunod na 3 hanggang 4 na linggo bago ito mag-plateau.
Naghihinala rin ang alkalde na ang XBB.1.16 o Arcturus ang sanhi ng pagdami ng kaso ng infection sa Lungsod.
Karamihan naman ng COVID cases sa Baguio City ay mild habang nasa 15% ang kanilang hospital utilization rate (HUR).