Mandatory facemask wearing ipinaiiral sa maraming lugar sa Bacolod at Iloilo
Ibinalik ang implementasyon ng mandatory facemask wearing sa maraming lugar sa Iloilo City at Bacolod City.
Sa harap ito ng tumataas na namang kaso ng impeksyon sa COVID-19.
Sa Iloilo City, ipinai-iral muli ang mandatory facemask wearing loob ng mga establisimyento at sa mga public utility vehicles (PUV), habang sa Bacolod City naman ay sa loob lamang ng mga pampublikong sasakyan.
Ang kautusan ay ibinaba ng mga lokal na pamahalaan ng dalawang lungsod.
Wala pa ring pasya ang national government kung ibabalik ang mandatory facemask wearing bagama’t sinabi ng Department of Heatlh (DOH) na i-assess ng bawat indibidwal kung may pangangailangang magsuot nito.
Galing sa Iloilo province ang unang kaso ng Arcturus na na-detect sa bansa ngunit ayon sa DOH, ang pasyente ay asymptomatic at naka-recover na sa sakit.
Ang Arcturus ay sub-lineage ng Omicron sub-variant na XBB at kinlasipika ng World Health Organization (WHO) at European Center for Disease Prevention and Control (ECDC) bilang variant under monitoring.
Weng dela Fuente