Mandatory HIV screening para sa mga buntis, planong ipatupad ng DOH

Plano ng Department of Health na gawing mandatory ang HIV screening para sa mga buntis lalo na sa mga lugar na talamak ang HIV-AIDS.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, layon nito na maagapang maipasa ng isang buntis na positibo sa HIV ang virus sa dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Noong Abril, umabot sa isandaang (100) buntis ang nagpositibo sa HIV samantalang mababa kumpara sa mga nagdaang buwan ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV-AIDS.

Nagpahayag ng pag-asa si Ubial na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng HIV AIDS sa bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *