Mandatory online transactions, ipinatutupad na ng SSS
Mandatory online transaction at checkless disbursements ang ipinatutupad ng Social Sceutiy System (SSS).
Ayon sa SSS, layunin nito na ma-proteksyunan ang kanilang mga miyembro sa panganib na dulot ng Covid-19 kung isasagawa ang face to face interactions.
Magiging mas mabilis, ligtas , mas convenient, at hindi magastos ang anumang dokumento na kailangang iparehistro.
Bukod dito, magiging mas madali na din ang pagsusumite ng Loan at Benefit applications gayundin sa pagtanggap ng loan proceeds at cash benefits mula sa SSS.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, isa itong paraan ng pagsuporta nila sa healthcare workers upang makontrol ang pagkalat ng Covid-19.
Sinabi pa ni Ignacio na kasama sa Mandatory online transactions ang filing ng Salary at Calamity loans, Sickness benefit reimbursement application (SBRA) para sa mga employers, aplikasyon ng Social Security (SS) Number, Employment Report (R1A), submission ng Sickness at Maternity notification gayundin ang filing ng Unemployment, Retirement, at Funeral Benefit claims na may e-disbursement.
Para sa online transactions, ang mga miyembro, employers, at pensioners ay kailangang may sariling My.SSS account.
Kapag naipasok na ang SSS registration, kailangan din nilang irehistro ang kanilang disbursement account sa pamamagitan ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) para sa disbursement ng kanilang loan at benefits.
Belle Surara