Mandatory quarantine para sa mga inbound passenger na nakakumpleto na ng bakuna, ibinaba sa 7 araw
Pitong araw na lamang isasailalim sa facility-based quarantine ang mga inbound passenger na nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas.
Batay sa Resolution No. 119 ng Inter-Agency Task Force (IATF), exempted na rin sa mandatory swab testing upon arrival ang mga nasabing pasahero maliban na lamang kung nakitaan ng mga sintomas ng Covid-19.
Ngunit nilinaw ng Malakanyang na na hindi sakop ng polisiya ang mga foreign nationals, Overseas Filipino Workers at mga Pinoy na nabakunahan sa ibang bansa.
Kailangan pa silang sumailalim sa regular quarantine at testing protocol na 10-day facility based quarantine.
Please follow and like us: