Manila Baywalk dolomite clean-up operation, isinagawa ng MMDA
Umabot sa dalawang trak ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa regular nitong pagsasagawa ng clean-up operations sa Manila Baywalk Dolomite Beach sa Roxas Blvd., sa Maynila.
Courtesy : MMDA PIO
Halos katumbas ng nasabing truckload ang 12.72 cubic meters o 106 sako ng iba’t ibang uri ng basura.
Kabilang sa mga nahakot ay mga kahoy at iba’t ibang uri ng single-used plastic na naanod sa dalampasigan.
Courtesy : MMDA PIO
Nagpaalaala naman ang ahensya sa publiko, na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng mga basura sa pamamagitan ng paggamit ng tamang basurahan.
Manny De luna