Manila Health Department target matapos ang Vaccination drive kontra Tigdas at Rubella bago dumating ang mga bakuna kontra COVID-19
Target ng Manila Health Department na matapos ang kanilang vaccination drive kontra tigdas at rubella bago dumating ang COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Manila City Health Chief Dr. Arnold Pangan, nasa 146,000 bata na nasa edad 9 hanggang 59 buwan ang target nilang mabakunahan bago matapos ang kalagitnaan ng buwang ito.
Hanggang nitong Pebrero 4, nasa 38,603 na bata na umano ang kanilang nabakunahan.
Paliwanag ni Pangan, iniiwasan nila na magdodoble-doble ang kanilang trabaho kaya pinipilit nilang matapos ang measles at rubella vaccination drive.
Una ng sinabi ng Covax na ngayong Pebrero ay maidedeliver nila sa Pilipinas ang 117 libong doses ng COVID-19 vaccines.
Madz Moratillo