Manila LGU magsasagawa ng drive thru installation para sa RFID stickers
Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na magkakaroon ng dalawang araw na “Drive-thru installation” ang lungsod para sa Radio Frequency Identification o RFID sticker.
Ayon kay Mayor Isko, layon nitong mabawasan ang mahabang pila ng mga sasakyan sa mga toll gate.
Ayon sa alkalde, marami kasing Manilenyo ang humihiling na magkaroon ang Maynila ng mass registration para sa RFID.
Ang “RFID sticker Caravan: Drive-Thru installation” ay gagawin sa kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall ngayong weekend o October 31 at November 1, 2020, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Ang mga maaaring magpakabit ng RFID stickers ay ang mga Class 1 vehicles lamang gaya ng mga kotse, SUVs at passenger vans.
Hindi rin kailangang magdala ng anumang dokumento magdala lang ng 200 pesos para sa initial load ng RFID.
Pinaalalahanan naman ang mga magpupunta sa caravan na magsuot ng face mask at face shield.
Madz Moratillo