Manila LGU, muling nakapagtala ng higit 25,000 indibidwal na nabakunahan kontra Covid-19
Pumalo sa 25,825 indibidwal sa Lungsod ng Maynila ang nabakunahan kontra Covid-19 kahapon, June 17.
Ayon sa Manila LGU, ito na ang ika-limang araw na nasa higit 20,000 katao ang nababakunahan nila sa loob lamang ng isang araw.
Sa datos ng Manila city Health Department, hanggang kahapon, June 17 ay pumalo na sa 300,705 indibidwal ang naturukan ng unang dose habang nasa 132,943 ang nakakumpleto na ng bakuna.
Ngayong Biyernes, June 18 ay ipinagpatuloy ang mass vaccination sa lungsod para sa mga nasa A1, A2, A3, A4 at A5 category.
Isinasagawa ang first dose para sa A5 category sa pitong vaccination sites mula District 1 hanggang District 6.
Paalala ng Manila LGU, huwag kalimutang dalhin ang printed waiver form o QR code para sa verification at ID, sumunod din sa mga health protocol pagdating sa sites.