Manila LGU nag-abiso na suspendido muna ang COVID-19 vaccination bukas
Nag-abiso ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila na wala muna silang bakunahan kontra COVID- 19 bukas, Enero 1.
Ayon sa Manila LGU ang bakunahan ay sa Lunes na ulit magpapatuloy Enero 3.
Pero ngayong araw, tuloy parin ang malawakang bakunahan sa lungsod.
Gagawin ang 1st at 2nd dose vaccination para sa A1 hanggang A5 sa 44 Health Centers, 3 LGU Hospitals, 4 Malls at 6 community sites sa Lungsod.
Para naman sa mga menor de edad at booster shot vaccination, may bakunahan rin sa 3 LGU hospitals, 4 malls at 6 community sites.
Pwede ang walk in sa mga vaccination site sa Maynila at bukas ito residente man o hindi sa lungsod.
Paalala naman sa lahat, palaging sumunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan para maiwasan ang posibleng hawahan ng virus.
Vic Somintac