Manila LGU nagsagawa ng Vaccination simulation exercise para sa mga Senior Citizen
Isang simulation exercise para sa pagbabakuna kontra Covid-19 ang muling isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Pero sa pagkakataong ito ay para naman sa mga Senior Citizen.
Ang simulation exercise ay ginawa sa Legarda Elementary School na nilahukan ng humigit-kumulang 100 senior citizens.
Ayon kay Manila Health Department Chief Dr. Arnold Pangan, layon nitong masiguro na handa sila sa pagbabakuna sa oras na simulan na ang Vaccination program.
Nabatid na aabot umano sa mahigit 157,000 ang mga nakatatanda sa Maynila na malaking hamon para sa kanila.
Ang mga senior citizen ay kabilang sa priority list ng gobyerno na mabakunahan kontra Covid 19.
Sa simulation ay inaalam rin kung may sakit ba ang mga ito na mahalaga bago magbakuna.
Madz Moratillo