Manila LGU patuloy pa rin ang pangangalap ng donasyon para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley
Nagpaaabot na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga kababayan nating naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, may 2 milyong pisong pandagdag sa relief operation para sa mga residenteng apektado ng baha ang kanilang ipinadala sa Cagayan.
Ang nasabing halaga ay nalikom aniya ng Manila LGU mula sa iba’t ibang organisasyon at mga pribadong indibidwal .
Pero hindi aniya rito natatapos ang kanilang tulong dahil mayroon ring fund raising na ginagawa ang Manila City Council para sa mga taga- Cagayan Valley.
Hinikayat rin ni Mayor Isko ang mga Manilenyo na magbigay ng donasyon.
Ngayon aniya ang magandang panahon para maipakita ng mga Manileño ang kanilang kabutihan at pakikipag-bayanihan sa mga nangangailangan.
Madz Moratillo