Manila LGU, pinuri ng DILG dahil sa mga anti-illegal drugs effort nito
Nakatanggap ng papuri ang lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa Department of Interior and Local Government – National Capital Region dahil sa mga naging accomplishment nito sa mga programa kontra iligal na droga.
Ang Manila LGU ay lumahok sa 2021 Anti-Drug Council Performance Audit sa ilalim ng Highly Urbanized City category kung saan nakakuha ng score na 85 over 100 ang Manila Anti-Drug Council.
Ibig sabihin, highly functional ang Manila Anti-Drug Council.Sa liham ni DILG-NCR regional director Maria Lourdes Agustin kay Manila Mayor Isko Moreno, pinuri nito ang accomplishments ng Lungsod na malaking tulong sa anti-illegal drugs effort ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng alkalde ang patuloy na suporta sa kampanya kontra droga ng pamahalaan at pagtiyak na ang mga lumalabag sa batas sa Maynila ay papanagutin.
Madz Moratillo