Manila Mayor Isko Moreno, binalaang ipasasara ang mga malls na pinapayagang magtinda ang mga establisimyento kahit walang permit
Binalaan ni Manila city Mayor Isko Moreno na ipasasara ang mga malls na pinapayagang magtinda ang mga tindahan o establisimyento na walang kaukulang permit.
Ang pahayag ng alkalde ay kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na may mahigit 1,400 business establishments sa lungsod ang nag ooperate ng walang permit.
Ayon kay Moreno, inaalam na nila kung anu-ano ang mga establisimyento na ito na nakakayang umupa sa mall pero wala palang permit.
Para sa mga matutuklasang walang permit, warning muna ang ipapataw ng city hall, pero kung patuloy aniyang lalabag ang mga ito ay idadamay na nila ang mall at ipapasara ito
Ulat ni Madz Moratillo