Manila Mayor Isko Moreno handang magpaturok ng Sinovac vaccine
Sa kabila ng pangamba ng ilan sa COVID- 19 vaccine mula China na Sinovac, nagpahayag ng kahandaan si Manila Mayor Isko Moreno na magpaturok ng bakuna na ito.
Kaugnay nito, pinulong ng alkalde ang konseho ng Lungsod para ipabatid ang kanyang desisyon.
Sinabi ni Mayor Isko na kahit mahigit 50% lamang ang efficacy rate ng bakuna na dumating ay handa syang magpapabakuna.
Una rito inanunsyo ng FDA na binigyan na nila ng Emergency Use Authorization ang covid 19 vaccine ng Sinovac.
Pero ayon sa FDA ang efficacy rate ng Sinovac vaccine ay 65.3% hanggang 91.2%.
Habang hindi naman ito inirerekumenda sa mga healthcare worker dahil sa 50.4% efficacy rate lamang ang naibigay nito noong nagsagawa ng clinical trial sa sektor na ito.
Hindi rin ito pwedeng iturok sa matatanda dahil 18 hanggang 59 anyos lamang ang rekumendado ng vaccine manufacturer na mabakunahan nito.
Madz Moratillo