Manila Mayor Isko Moreno ipinag-utos na ang pagtatayo ng storage facility para sa bibilhing COVID-19 vaccines
Ipinag-utos na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtatayo ng storage facility para sa kanilang mga bibilhing COVID-19 vaccines.
Ang vaccine storage facility ay itatayo ayon kay Mayro Isko sa compound ng Santa Ana Hospital.
Ang pasilidad na ito kaya aniyang mag-accommodate ng anumang uri ng COVID-19 vaccine.
Kaugnay nito, nilagdaan na rin ng alkalde ang mga dokumento para sa pagbili ng 12 Refrigeration system.
Mayroon ding 50 units ng Transport cooler ang kukunin bilang paghahanda sa paparating na mga bakuna.
Target naman na matapos ang konstruksyon ng storage facility sa loob ng mga darating na linggo.
Ang Maynila ay isa sa 39 na lokal na pamahalaan na lumagda sa Tripartite Agreement kasama ang gobyerno at AstraZeneca para sa suplay ng COVID-19 vaccines.
Inanunsyo ni Mayor Isko na mayroon nang tiyak na 800,000 bakuna para sa mga Manilenyo.
Nasa 250 milyong piso ang pondo ng Manila LGU para sa pagbili ng mga bakuna.
Madz Moratillo