Sunog sa Manila Pavilion hotel, idineklara nang fire-out ….5 Patay, 24 sugatan

Idineklara nang fire-out ngayong pasado alas-11:00 ngayong umaga ang sunog sa Manila Pavilion hotel sa Maria Orosa St., Maynila.

Nagsimula ang sunog bansang alas-10:00 ng umaga ng Linggo, kahapon, March 18 at kaagad itong inakyat sa Task Force Bravo.

Na-trap ang ilang mga guest sa hotel sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy at nang sila ay marescue ay agad na sinugod ang mga ito sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire protection o BFP, posibleng nagsimula ang sunog sa ground floor ng gusali o sa Casino gaming area hanggang sa umakyat ito sa ikatlo hanggang sa mataas na palapag ng gusali.

Ayon kay Fire Senior Supt. Roel Jeremy Diaz, District Director ng BFP-NCR, binutasan na nila ang ilang bahagi ng pader ng gusali para makalabas ang usok sa loob ng hotel .

Hindi rin aniya gumana ang sprinkler system ng hotel na posibleng naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy sa loob ng gusali.

Kinilala ang apat na namatay na sina:

1. DE CASTRO, BILLY
2. EVANGELISTA, EDILBERTO BRAGA
3. OMADTO, MARILYN
4. SABIDO, JOHN MARK

Nananatili namang missing ang isa pa na si Joe Cris Sabido. Sugatan naman ang hindi bababa sa 15 staff ng hotel at 300 guest naman ang ligtas na nakalabas mula sa gusali.

Ayon kay City Disaster risk reduction management office Director Johnny Yu, agad naman nilang na-account ang lahat ng lumabas mula sa gusali ng hotel base na rin sa record ng hotel staff.

Inabot pa ng umaga bago tuluyang nakontrol  ang sunog.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa insidente upang matukoy kung mayroon bang pagkukulang ang hotel management kaya nangyari ang sunog.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *