Manila Rehabilitation project sinimulan na
Nagsimula ngayong araw (January 27, 2019) ang Manila Bay rehabilitation project.
Isang seremonya ang ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila bilang hudyat ng rehabilitasyon.
Pinangunahan ni Department of Environmentang Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu ang aktibidad kasama sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, acting Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, Public Works Secretary Mark Villar, at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim.
Sinabi ni Secretary Cimatu na halos 5,000 volunteers ang lumahok sa isinaganwang solidarity walk na sinundan ng paglilinis sa baywalk area.
Kasabay ng Manila Bay Rehabilitation project ay nagkaroon din ng simultaneous cleanup activities sa Las Piñas, Navotas, at mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga.
Matatandaan na ipinahayag ni Secretary Cimatu na target ng DENR na mapababa ang coliform level sa Manila Bay, na natuklasang nasa 1.3 billion most probable number o mpn kada 100 milliliters.
Ulat nina EArlo Bringas / Tantan Alcantara