Manila RTC, ipinagpaliban ang pagdinig sa mosyon ni Customs fixer Mark Taguba na makapagpiyansa sa kasong Drug importation

Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court ang pagdinig sa mosyon ni customs fixer  Mark Taguba II na makapagpiyansa sa kasong illegal drugs importation kaugnay sa 6.4 billion pesos na halaga ng smuggled shabu shipment.

Nagpasya si Manila RTC Branch 46 Judge Rainelda Estacio- Montesa na tapusin muna ang markings of evidence sang-ayon na rin sa manifestation ng prosekusyon para sa mas maayos na presentasyon ng ebidensya.

Nakasalalay sa tibay ng ebidensya ng prosekusyon kung papaboran ang nais ni Taguba na pansamantalang makalaya.

Itinakda ng korte na tapusin ang ocular inspection sa mga ebidensyang mula sa kustodiya ng NBI sa June 6, 14, 20 at 27.

Iniutos din ni Estacio sa NBI na magdagdag  ng dalawang weighing scale at dalawang karagdagang chemist para mapabilis ang marking of evidence.

Pinagsusumite naman ang prosekusyon ng komento sa hiling ng akusadong si Eirene Mae Tatad na itakda na ng korte ang halaga ng piyansa bagamat wala pang pasya sa kanyang petition for bail.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *