Manila RTC judge itinalaga na bagong CA justice
Nanumpa na sa puwesto si dating Manila Regional Trial Court Judge Ana Marie Mas bilang bagong Court of Appeals associate justice.
Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagpanumpa kay Mas sa puwesto sa En Banc Session Hall ng Supreme Court.
Itinalaga si Mas ni Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ni dating CA Justice at ngayo’y retired Supreme Court Justice Edgardo Delos Santos.
Nagretiro nang maaga si Delos Santos noong Hunyo 2021 dahil sa health reasons
Moira Encina
Please follow and like us: