MVIB, nagbabala sa pagdami ng hot meat ngayong ‘ber’ months
Nagbabala ang Manila Veterinary Inspection Board sa lalo pang pagdami ng mga hot meat at iba pang ilegal na produkto.
Paalala ni Dr. Nick Santos, hepe ng Manila VIB, ang mga hot meat at mga smuggled na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusagan.
Kaya naman ayon kay Santos, mas pinaigting rin nila ang kanilang pag inspeksyon sa mga pamilihan sa Maynila.
Nitong Myerkules, aabot aniya sa 40 libong halaga o katumbas ng 20 kahon ng luncheon meat ang kanilang nasabat sa Velasquez St., sa Tondo dahil sa paglabag sa Food Safety Act, Consumer Act of the Philippines at panuntunan ng Food and Drug Administration o FDA.
Madelyn Villar-Moratillo