Manila Water, pinag-aaralan na kung magpapatupad ng rebate sa mga consumers
Pinag-aaralan na ng Manila Water ang mga rekomendasyon na huwag nang patawan ng charges ang mga customers nito matapos ang nangyaring krisis sa tubig.
Sinabi ni Manila Water President at CEO Ferdinand Dela Cruz, makikipag-dayalogo na sila sa Lunes sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage system (MWSS) para talakayin ang isyu.
Sa ngayon may ginagawa aniyang pag-aaral ang Manila Water sa nangyaring kakulangan ng suplay at mga residenteng naapektuhan at ang magiging resulta nito ang ipi prisinta sa mga opisyal ng MWSS.
Ikinukunsidera aniya nila ang rebate lalo na sa mga customers na nasa East Zone na 24 oras na nawalan ng suplay ng tubig sa loob ng siyam na araw.
Bukod sa rebate, nauna nang sinabi ng mwss na maaring pagmultahin pa ang Manila Water dahil sa perwisyong idinulot sa mga customers nito.
Ulat ni Meanne Corvera