Manila water, tiniyak na hindi na mauulit ang water crisis na naranasan ng kanilang mga customers
Tinitiyak ng Manila Water na hindi na mauulit ang water crisis na naranasan ng mga kanilang mga customers.
Ayon kay Manila water spokesperson Jeric Sevilla, sa ngayon aabot na sa 98 percent ng kanilang mga customers na nasa mababang lugar ang naibalik na ang suplay ng tubig.
Magkagayunman, inamin ni Sevilla na may mga customers pa rin sila sa matataas na lugar ang nakakaranas pa rin ng kakulangan sa suplay ng tubig sa loob ng 10 hanggang 11 oras.
Pero tuluy-tuloy naman aniya ang pagkakaloob nila ng mga tankering services at mga static tanks.
May mga inilalatag rin silang augmentation programs sakaling umabot pa ng hanggang Agosto ang nararanasang tagtuyot.
“Hopefully yung proyekto ng MWSS na paglalagay ng karagdagang tunnel para mas makakuha tayo o mas maibaba natin yung tubig mula Angat patungong La Mesa dam at matatapos yan sa taong ito para sa susunod na summer season ay nakahanda tayo”. – Manila Water spokesperson Jeric Sevilla