Manila Zoo bubuksan na ngayong araw bilang vaccination site
Simula ngayong araw bubuksan na ang Manila Zoo sa publiko.
Pero ito ay para magsilbing karagdagang vaccination site sa Maynila.
Pero ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos at senior citizens lang muna ang pwede rito.
Bawal naman ang walk in rito at kailangan munang magparehistro sa www.manilazoo.ph para makakuha ng ticket.1 libong slot lang ang papayagan makapasok rito kada araw.
Bukas ito mula 8:00 am hanggang 8:00 pm.
Maliban naman rito may bakunahan rin na ginagawa sa health centers, 6 na district hospitals, 4 na mall sites, at community sites sa lungsod.
Gayundin ang drive thru booster shot vaccination para sa mga rider sa Kartilya ng Katipunan, drive thru booster shot sa Quirino Grandstand para sa 4 wheels, at deive thru booster shot para sa PUV drivers sa Ospital ng Maynila.
Madz Moratillo