Manila Zoo bukas na muli sa publiko

Tapos na ang ilang buwang paghihintay ng ating mga kababayan, simula ngayon kasi bukas na ulit ang Manila Zoo.

Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang nanguna sa pagsalubong sa mga kababayan nating bibisita sa unang araw ng pagbubukas ng zoo.

Ang Manila Zoo ay Bukas mula 9am hanggang 8pm pero ang  huling oras na magpapapasok rito ay hanggang 6pm lang.

Para makapasok sa Manila Zoo, kailangan munang magparegister online sa pamamagitan ng manilazoo.ph para makakuha ng QR code.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, puwedeng online ang pagbabayad ng ticket, payment apps o kaya naman ay sa manila zoo mismo.

Ayon kay Lacuna, puwede ang walk in pero hanggang 500 lang ang kanilang papayagan.

Ang maximum capacity ng zoo kada araw ay 2,500 katao lang.

Mahigpit na bilin naman sa mga bibisita rito, bawal magdala ng pagkain at inumin, kapag nagutom meron namang mga tindahan ng pagkain rito.

Ang presyo naman ng ticket para sa residente ng Maynila ay 150 pesos, 300 pesos para sa non resident.

Kung estudyante ay 100 pesos sa taga Maynila at 200 sa hindi.

May 20% discount naman ang Senior Citizens and PWD.

Pero kapag Miyerkules, libre rito ang mga senior citizen na taga-Maynila.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *