Manipis na suplay ng kuryente pagpasok ng summer season dapat masolusyunan – NGCP
Asahan ang manipis na suplay ng kuryente sa pagpasok ng summer season.
Ito ang ibinabala ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP dahil sa inaasahang mataas na demand sa kuryente.
Dahil dito umapila ang ngcp sa publiko na magtipid ng kuryente upang hindi magkulang ang reserbang enerhiya.
Dagdag pa ng ahensya , ngayon pa lamang ay dapat masolusyunan ang naturang problema upang matiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa lalo na sa presidential elections sa Mayo.
Batay naman sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) mararamdaman sa huling linggo ng Mayo ang kabuuang peak demand na 12,387 MegaWatts (MW) .
Bahagyang mataas ito kumpara noong 2021 peak load na 11,640MW na naganap noong May 28, 2021.
Sa bahagi naman ng Visayas,naganap ang peak demand noong Disyembre, dahil sa mga aktibidad noong holiday season.
Habang sa Mindanao, ang peak demand ay naganap noong Agosto.
Ang NGCP ay isang Filipino-led ,privately owned company na namamahala sa pagpapatakbo , pagpapanatili, at pagpapaunlad ng power grid ng bansa, na pinamumunuan ng shareholders at vice chairman ng board Henry Sy, Jr. at Co – vice Chairman Robert Coyuito, Jr.