Manual recount sa isang Barangay sa Barotec Viejo, Iloilo, sinuspinde ng PET

Sinuspinde ng PET ang manual recount sa Clustered Precinct No. 22 sa Brgy Puerto Princesa, sa munisipalidad ng Barotac Viejo, Iloilo dahil sa basang balota.

Sa halip inatasan ang mga revisors na gamitin na lamang ang decrypted image ng balota.

Pinagpapaliwanag naman ng PET ang Municipal Treasurer  ng Barotac Viejo, Iloilo dahil sa  kalagayan ng ballot box at mga nawawalang laman nito sa Clustered Precinct No. 29 sa Brgy. San Francisco.

Ayon sa PET, walang steel wire lock ang flap ng ballot box at mayroon din na kasing laki na kamao na butas at malaking crack sa cover ng ballot box sa tabi ng flap.

Bukod sa mga ito ay nawawala rin ang election returns at minutes of voting sa loob ng ballot box.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *