Manual Recount sa Vice-President poll protest na nakatakda sana sa March 19, iniurong ng PET sa April 2
Muling iniurong ng Presidential Electoral tribunal o PET ang manual recount sa Election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice-President Leni Robredo.
Kinumpirma ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez na ipinagpaliban ng PET sa Abril 2 ang simula ng manual recount sa 3 Pilot provinces sa Vice-Presidential poll protest na unang itinalda sa March 19.
Ang postponement aniya ay dahil sa 42 lamang sa 50 revisors ang nakapasa sa Psychological exam.
Ayon kay Rodriguez, sinabi ng PET na itutuloy sa Abril 2 ang manu-manong bilangan ng mga boto mapunan man o hindi ang kulang na walong revisors.
Ang Manual recount ay para sa tatlong Pilot province sa protesta ni Marcos na Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Ulat ni Moira Encina