Manugang ni Pangulong Duterte na si Manases Carpio isinasangkot ni Sen. Trillanes sa kurapsyon sa BOC
Inakusahan na ni Senador Antonio Trillanes ang manugang ni Pangulong Duterte na si Manases Carpio na umano’y nasa likod ng kurapsyon sa Bureau of Customs.
Ayon kay Trillanes, may impormasyon sya na si Carpio ang nagbayad ng bribe money para mabilis na makapuslit ang mga shipment sa BOC.
Si Carpio ay isa rin sa mga nasa likod ng Davao group na nag-ooperate sa Customs.
Sabi ni Trillanes, nakatanggap siya ng intelligence report na limang beses na bumisita si Carpio sa tanggapan ni dating customs Commissioner Nicanor Faeldon noong nakaraang taon kasama umano si Vice Mayor Paolo Duterte.
Si Carpio ang asawa ni Davao Mayor Sarah Duterte.
Nang kwestynunin ni Trillnes sina Deputy Commissioner Gerardo Gambala at Customs Intel Chief Anthony Estrella kung may report o impormasyon na nagpunta sa Customs ang anak ng Pangulo na si Vice Mayor Paolo Duterte sa Customs.
Sabi ni Gambala, wala siyang impormasyon na nagtungo sa Customs at narinig niya lang ang balita tungkol sa Davao group.
Pero nang tanunin si Estrella, sinabi nito na nakita niya na nagtungo sa tanggapan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon si Manases Carpio, asawa ni Davao Mayor Sara Duterte pero hindi niya alam ang kanilang naging agenda.
Dahil dito, inatasan ni Trillanes ang mga opisyal ng Customs na isumite sa Senado ang kopya ng CCTV lalo na ang araw na maipuslit ang mahigit 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.
Ulat ni: Mean Corvera