Maraming ahensya at opisyal ng gobyerno , nagreklamo sa pagkakatake down ng kanilang post sa Social media
Nagreklamo ang maraming ahensya at opisyal ng gobyerno sa pagkaka take down ng kanilang posts sa social media giant na facebook.
Reklamo ng PDP Laban na partido ni Pangulong Duterte, marami sa kanilang posts ang natake down.
Kabilang na rito ang highlights ng mga programa ng Duterte administration kasama na ang kampanya ng Pangulo sa kanilang mga kandidato.
Sa isang statement sinabi ni PDP laban President Alfonso Cusi direkta itong pag- atake sa karapatan at kalayaan ng mga Pilipino.
Sinisikil aniya ng facebook ang kalayaan para sa malayang pagpapahayag at right to information .
Si Senador Francis Tolentino, nabawasan naman raw ang kaniyang mga followers samantalang wala naman siyang masamang ipinosts na sa tingin niya ay labag sa community standard.
Pinakabagong biktima si Atty Vic Rodriguez, ang tagapagsalita ni dating Senador Bongbong Marcos.
Sinabi ni Rodriguez, wala siyang nakitang mali sa kaniyang mga post maliban na lamang sa ginawa niyang pag- iimbita para panoorin ang interview kay BBMat kanilang kampanya sa Pampanga.
Meanne Corvera