Maraming bayan sa Southern Luzon at Bicol region, wala pa ring kuryente dahil sa epekto ng bagyong Rolly
Nananatiling walang suplay ng kuryente ang maraming bayan sa Bicol region at mga lalawigan sa Southern Tagalog dulot ng bagyong Rolly.
Sa abiso ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga nasasakupan ng mga Electric cooperatives.
Kabilang na rito ang: Fleco sa Laguna, Batelec 1 at 2 sa Batangas, Quezelco 1 – 3rd at 4th District sa Quezon at Quezeco 2 sa Infanta.
Samantala, ipinag-utos ng Department of Energy ang price freeze sa presyo ng gasolina at LPG sa buong Cavite mula November 1 hanggang 15 kung saan may idineklara nang State of Calamity.
Meanne Corvera