Maraming kalsada sa Metro Manila nagkabutas butas
Nag- iwan nang matinding pinsala sa mga lansangan sa Metro manila at Central Luzon ang Bagyong Egay at ang patuloy na pag-ulan dahil sa habagat.
Butas butas ang kalsada sa E bonifacio sa Maynila dahilan ng pagbagal ng mga motorista.
Sa Maynila mula Quaipo bridge hanggang sa papasok ng Roxas boulevard malalim rin ang mga lubak dahil sa mga natuklap na mga aspalto.
Sa kahabaan ng Roxas boulevard mabagal rin ang usad ng mga sasakyan dahil sa bako bakong kalsada .
Sa Edsa Pasay, mabagal rin ang usad ng mga sasakayn dahil sa bako bakong kalsada at ganito rin ang sitwasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, lumambot ang aspalto sa kalsada dahil halos labindalawang araw nang umulan at marami rin sa lansangan ang lumubog sa baha.
Pansamantalang tinapalan ng lupa at buhangin ang mga butas para hindi ito maka aksidente sa mga motorista.
Gagamit na ang DPWH ng bagong teknolohiya at mas maaikit na aspalto para matiyak na hindi matatanggal sakaling malakas ang buhos ng ulan at bumaha sa mga kalsada.
Pero sa ngayon hihintayin muna nilang gumanda ang lagay ng panahob bago tapalan ang butas sa lansangan.
Meanne Corvera