Maraming kulang na ngipin, nagpapatanda!
Isang tanong ang sasagutin natin para sa araw na ito.
Nagpabunot ng bagang, ang resulta ay para daw siyang tumanda .
Alam po ninyo, ang mga bagang ay tukod ng mukha natin. Kaya, kung gaano kataas amg mawala, ‘yun ang bagsak ng mukha.
So, ang nagpapatanda, actually, ay dahil maraming kulang na ngipin.
Biruin n’yo ang scaffolding ng mukha ay babawasan mo, kaya magso-shorten ang mukha.
But, no need to worry, dahil puwede namang ibalik.
Kaya lang dapat sa tamang dentista, kasi kung magpapalagay lang basta ng ngipin, kung saan kumportable ang pasyente ay hindi sapat .
Ang dapat ay mai-restore ang tamang sukat, at ang isang functional dentist ay kayang ma-restore ang nawalang vertical height ng mukha.
Samantala, narinig n’yo na ba ang dental clearance, natalakay na natin ito sa programang Kapitbahay sa Radyo Agila.
Ito ang clearance sa dental health, kung okay ba o hindi na maoperahan ang isang pasyente .
Ang dental clearance o written endorsement ng dentista na ibinibigay sa isang medical surgeon ay nagpapatunay na walang problema sa oral health ang pasyente.
Ito ang komunikasyon ng isang medical doctor at dentista na nagsasabing ang pasyente ay safe sakaling sumailalim sa operasyon sa puso o anomang delikadong surgery.
Hindi gagawin ng isang duktor ang operasyon ng isang pasyente without the dental clearance .
Ayan, nasagot na natin ang tanong at nakapagdagdag pa tayo ng impormasyon .
Sana ay nakatulong ang Dentist Online, until next time.