Maraming mga magulang sa Region 6, takot nang pabakunahan ang kanilang mga anak

 

Tumanggi umano ang maraming mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa ipinatutupad na school-based immunization program ng ahensya.

Dahil dito, nababahala ang Department of Health (DOH) sa Region 6 .

Ayon sa report,  karamihan umano  sa mga magulang ay hindi pumirma sa parent’s consent na ibinibigay ng DOH… bago bakunahan ang mga bata.

Ito daw ay dahil sa natatakot ang mga magulang na baka sapitin ng kanilang mga anak ang dinanas ng mga nabakunahan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Kaugnay nito,  nananawagan naman  ang DOH sa mga magulang na huwag matakot at huwag ihalintulad ang Dengvaxia Vaccine sa iba pang immunization program ng DOH.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *