Maraming Pinoy tiwala na walang epekto sa ekonomiya ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Duterte
Naniniwala ang maraming Pilipino na walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations kung saan lumalabas na 44 na porsyento ng mga Pinoy ang walang nakikitang epekto sa ekonomiya ang batas militar.
Dalawampu’t apat na porsyento naman ang naniniwalang mas gaganda pa ang lagay ng ekonomiya ng bansa habang 33 porsyento ang nangangambang lumala ang lagay ng ekonomiya.
Dahil dito, lumalabas na mayroong negative 9 National balance opinion na nasa ilalim ng borderline na “neutral”.
Isinagawa ang survey sa may isanlibo dalawandaang respondents noong Hunyo 23 hanggang 26.