Maraming Pinoy walang pakialam sa simbolismo ng kalayaan puro praktikalidad ayon sa isang historian
Inilarawan ni Professor Xiao Chua, isang historian, na halos hindi na maramdaman o hindi na ganuon ka concern ang mga pinoy kung paggunita sa kalayaan ang pag-uusapan.
Sa panayam ng Balitakayan, sinabi ni Chua na kahit bago pa magkapandemya , hindi na ganuon ang partisipasyon ng mga filipino sa mga opisyal na araw ng paggunita sa kasaysayan.
Ang problema aniya ay walang pakialam sa simbolismo puro praktikalidad , sa seremonya naipakikita ang dangal na ngayon ay hindi na pinahahalagahan.
Dati ay may mga civic-military parade pang naisasagawa at kapag sumasapit ang Araw ng Kalayaan, isang malaking pagdiriwang .
Subalit dahil aniya sa kaisipan ng iba na ito ay malaking gastos lamang o nasasayang ang pera kaya inihinto na lamang.
Dagdag pa niya na malaki ang papel ng media, magulang , guro , kahit mga religious sector sa pagpapaalala sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan tulad ng Araw ng Kalayaan.
Julie Fernando