Marawi City, balak gawing Tourism Hub ng DOT matapos ang bakbakan

download
courtesy of wikipedia.org

Pinag-aaralan ng Department of Tourism na gawing isang Tourism Hub ang Marawi City kapag natapos na ang bakbakan sa Lungsod.

Ayon kay DOT Undersecretary Frederick Alegre, nasa proseso na ang kagawaran sa paggawa ng draft para sa isang Tourism plan para sa Lungsod.

Umaasa aniya ang DOT na mawawasakan na ng tropa ng pamahalaan ang kaguluhan sa Marawi, at masusugpo na nang tuluyan ang Maute terror group sa susunod na mga linggo.

Ayon sa militar, apat na Barangay pa sa Marawi City na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng Maute group, ang isinasailalim sa clearing operations.

Aabot na sa tatlongdaan katao, na karamihan ay mga militante, ang napatay sa nagpapatuloy na kaguluhan na nagsimula noong May 23 nang umatake ang Maute group.

Inaasahan naman na pipirmahan na ng Pangulo ang isang executive order na mag-uutos sa pagsasaayos ng Marawi City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *