Marawi siege itinuturing na pinakamapanirang pangyayari sa kasaysayan ng bansa na nakaapekto sa sektor ng kalusugan – Sec. Ubial
Itinuturing ni Health Secretary Paulyn Ubial ang Marawi Siege bilang pinakamapanirang pangyayari sa kasaysayan ng bansa na nakaapekto sa sektor ng kalusugan.
Sinabi ng kalihim na kailangan ang higit-kumulang 2.7 bilyong piso para maisaayos ang mga nasirang Health infrastractures at facilties sa Marawi.
Ang patuloy aniyang giyera sa Marawi ay nagtala na rin ng pinakamalaking bilang sa kasaysayan ng mga nailikas na hindi sanhi ng mga natural na kalamidad.
Sa pinakahuling datos, aabot na sa 102,000 pamilya o 465,000 indibidwal ang nailikas dahil sa patuloy na bakbakan.
Please follow and like us: