March inflation rate bumagal sa 7.6% – PSA
Bumagal ang galaw ng inflation rate ng bansa sa 7.6% noong nakaraang Marso, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni PSA Undersecretary at National Statisticians Dennis Mapa ang March inflation rate ay mababa ng 10% kumpara sa naitalang 8.6% noong nakaraang Pebrero.
Ayon kay Mapa pangunahing dahilan sa pagbagal ng inflation rate sa bansa ay ang pagbaba sa halaga ng mga pagkain at serbisyo sa pangkalahatang pagtaya.
Inihayag ni Mapa kabilang sa nagpababa sa inflation rate ang mabagal na paggalaw sa presyo ng food and non-alchoholic beverages, gayundin ang galawsa presyo ng transport bunsod ng mga price roll back sa mga produktong petrolyo at pagbagal sa galaw sa presyo ng housing, water at electricity.
Niliwanag ni Mapa na ang average inflation rate sa bansa mula noong Enero 2023 hanggang Marso ay 8.3%.
Batay sa record ng PSA ang inflation rate noong Enero ay 8.7 percent at noong Pebrero ay 8.6%. Ang March inflation ay pasok sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 7.4 hanggang 8.2%, pero sa pangkalahatan ay mataas sa target range ng gobyerno na 2 hanggang 4%.
Vic Somintac