Marcos, Biden nagkasundong higit palakasin ang relasyon ng PH, US
Tinanggap sa White House ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang madaling-araw, oras sa PIlipinas.
Ang pagpupulong nina President Biden at President Marcos ay bahagi sa 5-day official visit sa Washington D.C. ng Punong Ehekutibo.
“Mr. President, welcome back to the White House, we talked on the way over it’s been a while since you’ve been here… We welcome you back,” bungad na pagbati ni Pres. Biden kay Pangulong Marcos.
“And, you know, when we met in New York last year, you told me that — that a strong alliance has to continue, quote — I’m using your phrase — “to evolve as we face the challenges of this new century.” And we are facing new challenges. And I can’t think of any better partner to have than you,” dagdag na pahayag ni Pres. Biden.
Sa kaniyang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos ang pangangailangan para palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.
“Thank you very much, Mr. President. And I — as you say, in the difficult times that we are facing ahead of us, I — we need to find many ways to strengthen our alliances and our partnerships in the face of the new economy that we are facing post-pandemic,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kaniyang opening remarks sa pagpupulong nila ni President Biden.
“Beyond that, there is — there are also the issues — geopolitical issues that have made the region where the Philippines is possibly, arguably the most complicated geopolitical situation in — in the world right now,” dagdag na pahayag pa ng Pangulo.
Bingiyang-diin pa ni Pangulong Marcos na natural lamang na tumingin ang Pilipinas sa nag-iisang treaty partner nito sa mundo para palakasin ang buhayain ang relasyon at ang mahalagang papel na ginagampanan sa harap ng mga usapin gaya ng tensyon sa bahagi ng South China Sea at sa Asia-Pacific, gayundin sa Indo-Pacific region.
“So, I welcome very much the opportunity to come here, to visit with you at the White House, and to discuss all these terribly important issues,” dagdag pa ni Marcos.
“We have many things that — that are new that need to be assessed and, again, our role as partners in the world — in our worldview of what we are hoping for the future of peace, not only in the Asia-Pacific and Indo-Pacific region but in the whole world,” paliwanag pa ng Punong Ehekutibo.
Ironclad Commitment
Muli namang tiniyak ni President Biden ang matibay na pangako nito para depensahan ang Pilipinas.
“And the United States also reminds [sic] ironclad in our — remains ironclad in our commitment to the defense of the Philippines, including the South China Sea, and we’re going to continue to support the Philippines’ military modernization goals,” dagdag na pahayag ng US President.
“Our countries not only share a strong partnership, we share a deep friendship — one that has been enriched by millions of Filipino Americans in the communities all across the United States of America,” ayon pa kay Pres. Biden.
Ang Oval meeting nina Pangulong Marcos at President Biden sa White House ang ikalawang in-person bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider.
Nauna nang pinagtibay ng dalawang lider ang matibay na alyansa at partnership sa sidelines ng 77th Sessions ng United Nations General Assembly 9UNGA) sa New York noong Setyembre 2022.
Sa nasabing pulong nagkasundo rin ang sina Marcos at Biden na pagbutihin ang kooperasyon sa iba pang priority sectors, at pagpapalitan ng bisita sa PIlipinas at Amerika.
Weng dela Fuente