Marcos-Duterte tandem, inendorso ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo

Vice presidential aspirant Sara Duterte (Photo from HNP Facebook page)/ pna.gov.ph

Inendorso ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na tumatakbo bilang kinatawan ng Pampanga, ang presidential at vice-presidential tandem ni Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ang endorsement ay sang-ayon sa kaniyang partido, ang Lakas-CMD, na si Mayor Duterte ang inendorso para maging bise presidente. .

Ayon sa pahayag mula sa kaniyang tanggapan, si Arroyo na dati ring naging House speaker, ay humiling sa mga kasamahan niya sa lalawigan na suportahan ang kandidatura ni Marcos at Duterte sa May 9 elections. Ang Pampanga ay isa sa pinakamalaking ‘vote-rich provinces’ sa bansa na may higit 1.5 milyong rehistradong botante ngayong taon.

Nang bumisita si Mayor Duterte sa bayan ng Lubao nitong Lunes, April 4, sa bisperas ng ika-75 taong kaarawan ni Arroyo ay sinabi niya na nakikita niyang magiging landslide ang tagumpay ng BBM-Sara sa Pampanga.

Pahayag ni Arroyo . . . “I know all of us are for Bongbong Marcos. I hope you give Sara the equal support you gave Noli de Castro, who was my vice president.”

Ang hakbang ay hindi na nakagugulat. Si Arroyo ay president emerita ng center-right Lakas–CMD, na nag-endorso na kay Marcos.

Si Mayor Duterte ay pinangalanan bilang chairperson ng partido noong Nov. 17, 2021 pagkatapos niyang umalis sa regional Hugpong ng Pagbabago (HNP), na siya mismo ang nagtatag. Muli na siyang bumalik sa HNP.

Sinabi ni Arroyo, na kakailanganin ni Marcos si Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilang kaniyang bise presidente. Ito aniya ang dahilan kaya nila ini-endorso si Inday Sara.

Aniya . . . “We are also endorsing her because of the help which her father, President Rody Duterte, provided Pampanga. Let us return the favor. We should make them win by a landslide.”

Si Arroyo ang unang babaeng vice president ng Pilipinas noong 1998 bago nanumpa bilang ikalawang babaeng pangulo ng bansa noong 2001. Muling nahalal noong 2004, nagsilbi siya bilang pangulo ng siyam na taon.

Itinalaga ni Duterte si Arroyo bilang presidential adviser sa flagship programs at mga proyekto sa Clark noong November 24.

Makaraang maging pangulo ng bansa, si Arroyo ay nahalal bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga noong 2010 at nagsilbi hanggang 2019, at naging House speaker din mula 2018 hanggang 2019.

Planong bumalik sa House of Representative, si Arroyo ay walang makakalaban. Nakatakda niyang palitan ang anak na si Mike Arroyo bilang district representative.

Please follow and like us: