Marcos Gov’t tiniyak ang tapat at credible na parliamentary elections sa BARMM
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hinikayat ang mga residente ng Maguindanao del Norte na makilahok sa kauna- unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasabay ng May 2025 midterm polls.
Sa kaniyang talumpati sa ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB), tiniyak ni PBBM na sisiguruhin nila ang tapat, payapa at credible na halalan roon.
Hinikayat ng pangulo ang mga ito na bigyang halaga ang kanilang boto.
Bilang pagsusulong sa layuning “Better Bangsa Moro” ay sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin ng pamahalaan na magiging kapani-paniwala ang proseso ng halalan sa lugar.
Binalaan naman ni PBBM ang mga nagbabalak na manggulo sa eleksyon na huwag magkamaling kalabanin ang gobyerno.
“As your President, I assure that you will have an honest, orderly and credible conduct of the electoral process. Let this also serve as a warning to those who may plan to threaten and derail this upcoming election, huwag n’yo nang isipin ‘yan dahil ang kakalabinin na ninyo ay ang pamahalaan,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Madelyn Moratillo