Marcos, Qin nagkasundo na palaguin ang “line of communication” sa isyu ng West Phl Sea
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang nitong weekend, April 22, si Chinese state councilor at foreign minister Qin Gang.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pangulong Marcos na naging kapaki-pakinabang ang nasabing pagbisita ng Chinese official para ayusin anumang gusot mayroon sa pagitan ng Pilipinas at China.
“Today it was really useful that we were able to speak with Minister Qin Gang, the Foreign Minister of China, so we can talk directly to one another and iron things out,” ayon sa statement ng Pangulo.
Nagkasundo rin si Marcos at Qin na palaguin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, gayundin ma-establisa ang higit pang linya ng komunikasyon para tugunan ang anumang usapin na maaaring kasangkutan ng dalawang bansa sa usapin ng West Philippine Sea.
“We are currently working on that and are awaiting the Chinese response and we are confident that these issues would be worked out that would be mutually beneficial for both our nations,” ayon sa Pangulo.
“It’s very, very useful and very, very productive that Minister Qin came here and that we were able to talk things a little bit through, make plans for the future, continue to work on growing the relationship between the Philippines and China, not only in the economic field but in the cultural and educational and other exchanges,” dagdag na pahayag ni Marcos.
Ang pagbisita sa bansa ni Qin ay sa harap ng kontrobersyang ibinunga ng “veiled threat” ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian laban sa mga overseas Filipino workers in Taiwan.
Sa harap ito ng babala niya sa pagpapahintulot ng Pilipinas sa Estados Unidos na ma-access ang mga karagdagang base ng militar sa Norte para sa implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Hindi lang pagbatikos ang reaksyon ng iba’t ibang sector sa pahayag ni Huang kundi inihihirit pa na pauwiin na ang envoy sa China.
Si Qin ang pinakamataas na opisyal ng China na bumisita sa Pilipinas matapos ang state visit ni Pangulong Marcos sa China noong Enero.
Weng dela Fuente