Maria Ressa at dating reporter ng Rappler, nagsumite na ng sagot sa NBI kaugnay sa reklamong Cyberlibel na isinampa laban sa kanila

Naghain na ng kaniyangs agot sa National Bureau of Investigation o NBI ang Presidente at CEP ng Rappler na si Maria Ressa kaugnay sa reklamong Cyber-libel na isinampa laban sa kaniya ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Ang reklamo ni Keng laban kay Resaa ay nag-ugat sa lumabas na artikulo sa Rappler noong May 2012 kung saan sinabi na pagmamay-ari umano ng negosyante ang itim na SUV na ginagamit noon ni dating Chief Justice Renato Corona.

Kasabay na nagsumite rin ng sagot sa NBI ang dating reporter ng Rappler na si Reynaldo Santos na inireklamo rin ng Cyber Libel.

Sa kanilang magkahiwalay na sagot, iginiit nina Ressa at Santos na nag-prescribed na ang kanilang kasong Cyber Libel o di na pwedeng masakop ng Cybercrime Prevention Law.

Ang artikulong kasi anilang pinagbatayan ni Keng ay nailathala sa kanilang website noong May 2012, ilang buwan bago naging ganap na batas ang Cybercrime Prevention Act noong September 2012.

Dahil dito ay wala na anilang rason para magimbestiga ang NBI at sila ay kasuhan.

Nanindigan sina Ressa na walang batayan ang mga paratang sa kanila ni keng at di sila lumabag sa anti cybercrime law.

 

Ulat ni Moira Encina

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *