Maria Ressa, naghain ng kontra-salaysay sa DOJ kaugnay sa tax evasion case laban sa Rappler Holdings Corporation
Nagsumite na ng kanyang kontra-salaysay sa DOJ si Maria Ressa kaugnay sa halos 134 million pesos na tax evasion case na isinampa ng BIR laban sa Rappler Holdings Corporation.
Pinanumpaan ni Ressa sa harap ni Assistant State Prosecutor Zenamar Caparros ang kanyang counter-affidavit.
Iginiit ni Ressa na presidente ng RHC na political harassment ang ginawang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng BIR.
Umapela ito sa BIR na magimbestiga muna bago naghain ng reklamo sa DOJ.
nalabag anya ang kanyang constitutional rights nang ihain ng BIR ang reklamo bago ito nagimbestiga sa isyu.
Nanindigan si Ressa na walang nangyaring tax evasion o intensyon na hindi magbayad ng buwis at walang katotohanan ang alegasyon ng BIR
Ayon pa sa abogado nito na si Eric Recalde, nagsagawa lang ng fundraising ang RHC sa pamamagitan ng pag-isyu ng Philippine Depository Receipts o PDR.
Batay sa reklamo ng BIR, hindi nagbayad ang RAPPLER HOLDINGS ng Income Tax and Value Added Tax nang bumili ito ng common shares mula sa Rappler Incorporated na umaabot sa 19.2 million pesos.
Nag-isyu at nagbenta rin ang RHC ng PDR sa dalawang foreign juridical entities SA KABUUANG 181.6-million pesos.
Pero batay sa Annual ITR at VAT Returms na inihain ng RHC sa BIR noong 2015 ay hindi ipinapakita na nagbayad ito ng buwis para s akinita nito sa Philippine Depository transactions.
Ulat ni Moira Encina