Mark Ruben Taguba. ipinag-utos ng Korte Suprema na ikulong sa Manila city jail
Ipinag-utos ng Korte Suprema na ikulong sa Manila City Jail si Customs fixer Mark Ruben Taguba II na isa sa mga akusado sa kaso ng 6.4 bilyong pisong smuggled shabu shipment.
Ito ay matapos ibasura ng Manila RTC Branch 46 ang mosyon ni Taguba na manatili ito sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology o BJMP aniya ang naatasan sa batas na mangalaga sa mga akusado na nagpapatuloy ang mga pagdinig.
Alinsunod din anya sa Rules on Evidence, hindi maaring magpasya ang husgado ng walang malinaw na ebidensyang ipiniprisinta.
Sa mosyon ni Taguba, ikinatwiran nito ang banta sa kaligtasan kung hindi sa NBI siya makukulong.
Tinutulan ng prosekusyon ang mosyon ni Taguba dahil walang aktuwal na basehan na may banta sa buhay ni Taguba.
Itinakda naman ng Korte ang pagbasa ng sakdal kay Taguba sa Biyernes, February 9.
Samantala, binigyan ng korte ang prosekusyon ng sampung araw upang magkomento sa inihaing Motion to dismiss ng kampo ni Richard Tan.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===