Martial Law dapat nang tapusin ayon sa mga travel agency

Nanawagan ang mga travel agency sa gobyerno na tapusin na ang labanan sa Marawi City at itigil na ang Martial Law.

Ayon sa Philippine Travel Agencies Association o (PTAA), tinatakot ng Martial Law ang mga posibleng turista na bumisita sa bansa.

Sinabi ni PTAA President Marlene Jante, ang pinaka-inaalala ng mga travel agency ay ang magiging tingin ng mga turista na hindi pa nakakapunta sa Pilipinas.

Kampante naman ang PTAA Chief, na babalik din sa dati ang turismo ng Pilipinas pagkatapos ng Martial Law.

Pahiwatig pa ng PTAA, kailangan gumawa ang gobyerno kasama ang mga pribadong sektor ng short-term plan para maibalik ang sigla ng Tourism industry.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *