Martial Law declaration sa Mindanao, kinatigan ng Korte Suprema

Kinatigan ng Korte Suprema  ang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law at pagsuspinde sa privilege of the writ of habeas corpus sa buong Mindanao.

Sa botong 11-3-1, labing-isa sa mga mahistrado ang bumoto ng pabor at nagsabing may sapat na basehan ang pagdedeklara ng Pangulo ng Batas Militar.

Ito ay sina, Associate Justices Presbitero Velasco Jr,  Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Mendoza, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe, Francis Jardeleza, Noel Tijam, at Samuel Martirez.

Tatlo naman sa SC justices kabilang sina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang nagsabing bagaman may basehan ang Martial Law declaration dapat ay nilimitahan lamang ito sa Marawi City at kalapit na lalawigan.

Isa lang sa mga mahistrado ang tumutol at nagsabing walang basehan ang Martial Law declaration at ito ay si SC Justice Marvic Leonen.

Ang desisyon ay isinulat ni Justice Mariano del Castillo.

Ulat ni : Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *