Martial Law extension, kukuwestyunin sa Korte Suprema ng oposisyon sa Kamara 

Kukuwestyunin ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Korte Suprema ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palawigin ang Martial law sa Mindanao ng isa pang taon.

Giit ni Lagman, walang dahilan para palawigin ang Martial Law dahil wala namang aktuwal na rebelyong nagaganap sa Mindanao.

Unconstitutional aniya ang ibinibigay na rason ng AFP na mga taga-Mindanao ang may nais ng Martial Law extension.

Nangangamba ang Kongresista na sakaling matuloy ay lumala lamang ang mga insidente ng karahasan at human rights violations sa Mindanao.

Inihalimbawa nito ang nangyari kina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro.

 

Ulat ni Madz Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *